TAGALOG PODCAST
- Zairra Obial
- Dec 20, 2021
- 7 min read
Updated: Jan 7, 2022

GUSTO MO BANG PAKINGGAN ANG PODCAST NA ITO?
CLICK LAMANG ANG BUTTON >>>>>

TAGAY SERYE: MGA TRABAHO NOONG UNANG PANAHON
PANIMULA: Sound effects
Zairra: Magandang, magandang araw sa ating lahat. Lalong-lalo na sa ating mga ka-tagay na nakikinig sa kani-kanilang bahay o lugar. Ako po ang inyong pinaka-malakas na ka-tagay sa lahat ng panahon, Zairra S. Obial ang inyong lingkod.
Chrishia: Ako naman po ang inyong pinaka-cute ninyong ka-tagay. Sasamahan kayo sa kulitan at kwentuhan, Chrishia Marise E. Estares po.
Kryzel: Kryzel Navarosa naman po ang inyong laging GO ng GO sa lahat ng anumang bagay. Samahan niyo kaming tumuklas at makipag-kwentuhan ng masasaya, malulungkot at mga kamangha-manghang mga istorya. Ito ang kasama ninyo tuwing Linggo ng gabi ang—
Zairra, Chrishia at Kryzel: ANG TAGAY SERYE (sound effects)
Zairra: Para sa kaalaman ng lahat. Hindi po tayo tatagay ng inuming nakakalasing kung hindi tatagay po tayo ng mga siksik sa laman na mga impormasyo ng nakaraan na magagmit natin ngayon sa kasalukuyan.
Zairra: Talagang napakaganda ang ating araw ngayon, sapagkat ang ating paksa para podcast natin ngayon ay nakakamangha at nakaka-intriga. Na masasabi mo talagang,”HA? ANO?MERON BA NON”
Chrishia: Abay, akoy nakukuryos sa iyong pinag-sasabi ka-Zairra.
Kryzel: Ano ba ang ating paksa natin ngayon mga ka-tagay?
Zairra: Hindi na ako magpatumpik-tumpik pa. Alam kong kayo’y eksayted na ang ating mga ka-tagay . Ang ating paksa ngayon ay ang mga trabaho noong unang panahon na akala natin wala pero mayroon pala.
Kryzel: Ha? Ito ba yong mga trabaho na kakaiba o weird sa ating panahon ngayon?
Zairra: Tumpak na tumpak ka-tagay Kryzel.
Chrishia: Ah. Madami akong nababasa na ganyan. Mayroong tinatawag nila na Groom of Stool sa England noong panahon. Bali, sasamahan niya ang hari na tumae.
Kryzel: Ha? Ganoon ba? Mukhang mabaho ang trabaho na ganyan ah.
Chrishia: Sinabi mo pa, pero mayroon namang mga prebelihiyo pag ganito ang iyong trabaho. Sabi pa nila na ito ay tinitingalahang trabaho at gustong-gusto makuha nga iba dahil ayon sa tsismis, ang mga Groom of Stool ay binibigyan ng mga nakasawaang damit ng hari. Mayroon ding mga tsismis na alam lahat ng Groom of Stool ang mga sikreto ng hari ng England at ng Royal Family. Diba? Babayaran ka pa ng malaki tapos makakaalam ka pa ng mga impormasyan na ang Royal Family at iilan lang ang nakakaalam. Abay, napakalaking prebelihiyo iyon kung ako ang tatanungin, tapos may mataas ka pang kapangyarihan sa korte ng England.
Kryzel: Kung ako ang nasa panahon ng modern England, mag-aaplay talaga ako ng ganyang trabaho. Kahit na mabaho, marangal naman at madami ka pang mga prebelihiyo na matatanggap, ganoon din ang pera.
Zairra: Ako rin naman. Tanong ko lang sa inyo mga ka-tagay, ano ba ang nagpapagising sa inyo araw-araw?
Kryzel: Siya? Pag-ibig?
Zairra: Sana lahat talaga. Pero walang halong biro , sino o ano ang nagpapagising sa inyo sa tamang oras araw-araw? Hindi kabilang ang bunganga ni Mama ha?
Chrishia: Kung hindi ako gigisingin ng mga kapatid ko, yung alarm clock ko. Nitong mga nakaraang araw, alarm clock talaga.
Kryzel: Ako din. Kahit minsan hindi ako nakakagising sa pinaka-unang alarm, pero kalaunan namay nagigising ako sa ingay ng alarm.
Zairra: Eh, paano naman kaya kung hindi naimbento ang alarm clock? Sigurado akong laging huli o absent ako sa klasi.
Chrishia: Teka, iisipin ko kung walang alarm clock. Diyos ko, parang ayoko, paano nalang kung mayroon tayong importanteng lakad? Ang swerte natin ngayon, pero paano naman iyong nasa unang panahon? Sus, ayokong laging magising sa bunganga ni mama.
Kryzel: Ako din naman.
Zairra: Kaya naman ay noong 1970 may mga tinatawag na Knocker-ups o Knocker-upper.
Kryzel: Taga-katok?
Zairra: Oo, sila ay matatagpuan sa bansang Great Britain, taong 1970. Ang mga knocker-upper ay kakatok sa kanilang mga kliyente sa oras na tinakda ng mga kliyente. Dala-dala nila iyong mga mahahabang patpat para sa mga pinto o bintana na hindi nila abot.
Kryzel: Tapos ang sweldo?
Zairra: Ang sweldo o bayad ay matatanggap nila sa katapusan ng lingo. Depende ito sa oras o layo ng bahay ng kliyente. Kung sobrang aga, alas tres hanggang alas kuwatro ay mahal ang singilan na umaabot sa one shilling o katumbas ng dalawang dolyares ngayon. Sa panahon noon, malaki na ang one shilling na bayad. Kayo mga ka-tagay , ano sa tingin niyo sa trabahong ito? Tatanggapin niyo ba kung aalukin kayo ng trabahong ito?
Chrishia: Hindi.
Kryzel: Ako rin. Alam niyo namang hindi ako ang taong gumigising ng napakaaga. Diba palagi akong huli?
Zairra: Sabagay. Saksi kami dyan ka-tagay. Ako hindi rin. Ewan, pero parang agad akong matatanggal sa trabaho pag-ganito ang trabaho ko. Siguro mas mauuna pang magigising ang mga kliyente ko kaysa sa akin.
Chrishia: Tama.
Kryzel: Ang Groom of the Stool at Knocker-ups ay wala na sa panahon ito. Maaring masasabi natin na ang mga trabahong ito ay kakaiba sapagkat hindi na ito pinagpatuloy ngayon sa kadahilanang mayroon ng teknolohiya at mga alternatibo. Sa tingin ko, naimbento lamang ang alarm clock upang tugunan ang mga pangangailan ng mga tao ng hindi gumagasta ng pera at ako’y nagpapasalamat sa mga imbesyon na nakakatulong talaga. Katulad lamang ng alarm clock, hindi na natin kailangan pang magbayad ng pera kada-linggo sa mga knocker-ups upang tayo ay magising ng maaga.
Chrishia: Tama. Minsan talaga kahit mayroong mga maiiwan o mawawalan kailangan nating magbago pasulong para sa mas maganda at mas maayos na kinabukasan. Pero bilib ako sa tyaga ng mga knocker-ups at Groom of Stool.
Kryzel: Ang akin namang nasaliksik ay tungkol sa mga tagahukay ng patay.
Zairra: Parang nakakatakot naman yan. May mga zombie ba?
Kryzel: Hindi. Ano ka ba? Huwag kang takot! Ang ibig kong sabihin ay may mga tao noong panahon na naghuhukay ng mga patay para ibenta sa mga ospital.
Zairra: Yun naman pala eh. Akala ko may mahika o kulam ka ng nalalaman ka-tagay.
Kryzel: Syempre hindi. Walang halong alchemy o mahika mga ka-tagay. May trabaho na tinatawag na resurrectionist noon sa Great Britain. Minsan tinatawag din silang body-snatchers. Humula kayo kung ano ang pinaka-trabaho nila.
Chrishia: Ressurectionist? Bumubuhay ng patay.
Kryzel: Hindi.
Zairra: Sabi ngang walang zombie zombie at mahika. Paanong bumubuhay ng patay?
Chrishia: Pasensya na. Akala ko eh. Huwag na kayong magalit.
Kryzel: Hindi naman. ‘Tamo to.Ikaw ka-tagay Zairra, ano sa tingin mo?
Zairra: Diba sinabi mong body-snatcher? Nagnanakaw ng katawan?
Kryzel: Tama. Ang mga ressurectionists o body-snatchers ay sa gabi kung nagtatrabaho pero hindi ko matatawag na ito ay tunay na trabaho. Dahil bali silaay nagnanakaw ng mga patay na katawan mula sa mga sementeryo upang ibenta sa mga ospital o sa mga tao organisasyon na nag-aaral ng medisina. Habang tumatagal ang trabahong ito, mas maraming mga nitso ang nawawalan ng bangkay kaya ito ay nakapag bigay ng sakit nga ulo sa mga awtoridad sa Great Britain.
Zairra: Parang ayokong maghukay ng patay. Kasi sa imahinasyon ko pa lang nakakatakot na, ano pa kaya sa personal.
Chrishia: Tapos hindi pa legal ang kanilang gawain. Mula sa patay na paksa dumako naman tayo sa buhay mga ka-tagay. Alam niyo ba noong taong 1913 pwede niyong ipadalsa sa isang delivery ang mga sanggol?
Kryzel: Ah, kalat sa sosyal medya ang litrato ng taong may bitbit na bata sa kanyang bag.
Chrishia: Ang alam ko ang larawang iyon ay hindi totoo. Kinunan lamang iyon sa isang istudyo ng isang potograper.
Kryzel: Salamat sa pagtama sa akin Chrishia. Akala ko talaga na totoo yon.
Chrishia: Pero totoong may ipinadalang bata mula sa kanyang magulang patungo sa kaniyang lola na may kay layong distanya. Noon kasi walang panuntunan kung ano ang ipapadala mo pero nakasanayan na ng karamihan na tanging sulat lamang ang ipapadala sa National Postal Museum sa Estados Unidos. Matapos ang kaganapan ng maayos na nahatid ng mensahero ang batang lalaki sa kaniyang lola, naenganyo na ring magpadala ng iba’t-ibang kagamitan ang mga tao.
Zairra: Para pala itong 2in1. Mail at delivery service. Sa nabasa ko tungkol dyan ay kahit itlog, karne ay pinapadala na ng mga tao nga mga panahong iyon. Ay mali, 3in1 pala, Food delivery, Mail at delivery service pala.
Chrishia: Medyo nakakatawa siya pero totoong nangyari iyan.
Zairra: Mga ka-tagay alam kong gusto natin lahat kumain. Tama ba?
Kryzel: Sino bang hindi?
Zairra: Paano pag sinabi kong libreng makakain ka ng mahal na pagkain tapos may sweldo ka pa?
Chrishia: Saan ba iyan at pupuntahan ko!
Zairra: Teka. Oo nga libre ang masasarap na pagkain , may sweldo ka pa pero paano pag may lason?
Chrishia: Food taster ba iyan?
Zairra: Tama. Sila iyong mga tag tikim sa mga pagkain ng mga maharlika upang masiguro na walang lason ang pagkain bago ito ihain sa mga may matataas na ranggo na indibidwal. Pro kahit may banta sa buhay ko tatanggapin ko parin ang trabahong ito.
Chrishia: Ako hindi. Baka kasi sa unang araw pa lang ay mamatay na ako. Okay lang sana kung nakatikim na ako ng marami-rami, paano kung hindi pa?
Kryzel: Ako rin. Ayaw kong isugal ko ang buhay ko. Pero desisyon mo iyan ka-tagay. Bahala ka na sa buhay mo.
Zairra: Ang harsh niyo naman. Basta mamatay akong masarap ang kinain ko. At paniwala ko ay dito na lamang tayo pero alam kong marami tayong natagay na kaalaman ngayon.
Kryzel: Oo naman. Kay rami kong natutunan sa nakaraang panahon.
Chrishia: Balik-aral tayo mga ka-tagay. Mga trabaho noong unang panahon na akala mo ay hindi mo alam na mayroon pala. Ito ay ang Groom of Stool, Knocker-ups, Food Taster, Ressurectionists, at mensahero.
Wakas:
Kryzel: At diyan nagtatapos ang ating podcast sa araw na ito. Nawa’y may natutunan kayo sa aming mga pinagsasabi.
Zairra: Sa susunod ulit na kabanata ng ating Tagay Serye. Ito muli si ka-Zairra S. Obial, makikita niyo ako sa Facebook at sa Instagram.
Chrishia: Kung nais niyo namang malaman ang kung ano ang mga pinagagawa ko sa buhay, sa Facebook i-search niyo lang mga ka-tagay ang aking pangalan. Chrishia Marise E. Estares at sa Instagram ganoon din po. Mga ka-tagay kung gusto niyo ng mga karagdagang mga kakaiba, nakakatuwa at nakakabighaning mga kwento, istorya, at mga kaalaman maari kayong bumisita sa aming blogsite https://navarosakryzel.wixsite.com/anythingundersol/ at sa aming facebook page naman po ay Anything under Sun, iyong may green na Profile piktyur.
Kryzel: @ ang aking twitter account. Maari niyo akong makita at makontak sa account na yan. Talagang marami tayong kaalaman na nalaman ngayon. Naway sa susunod na episode ng Tagay Serye ay sasamahan niyo parin kami mga ka-tagay. Magandang araw sa ating lahat. Sa muli ito ang
Zairra, Chrishia at Kryzel: TAGAY SERYE (sound effect)










Comments