top of page
  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • YouTube
  • Pinterest

MGA KAKAIBANG FLAVORS NG ICE CREAM

  • Writer: Zairra Obial
    Zairra Obial
  • Dec 20, 2021
  • 2 min read

Ang sorbetes ay isa sa mga paboritong nating panghimagas na ayaw nating mawala sa bawat okasyon. Double dutch, Strawberry, Mango, Ube, Rocky Road, Matcha, Halo-halo, Chocolate, cookies, at cream, ang mga lasa ng sorbetes na napakasarap at nakakatugon sa ating mga cravings. Ngunit may mga iilang mga ice cream parlor na nagdagdag ng mga bagong recipe na kakaiba sa ating panlasa at paningin.


Nakakain ka na ba ng ice cream na ang flavor ay karne o karne ng kabayo? Kung hindi pa, abat tuklasin natin ang ibat-ibang flavor ng sorbetes.


Sa blog na ito, itatampok namin ang lima sa mga kakaibang lasa ng ice cream. Ituloy lang ang pag-scroll!


PIZZA ICE CREAM


ree

Larawan mula sa Allrecipes


Oo, tama ang nabasa mo, Pizza-flavored na ice cream. Ang sorbetes na ito ay swak na swak para sa mga mahilig sa Pizza. Naglalaway ka na ba?

Ang ice cream na ito ay may lasa ng pizza, na hinaluan ng kamatis, oregano, asin, basil, at bawang. Giit ng nakatuklas ng flavor na ito, marahil ito na raw ang pinakabago at pinakadakilang imbensyon ng ice cream sa larangan ng negosyo ng sorbetes. Makikita sa lawaran naman sa larawan kung ano ang hugis ng ice cream na ito. Kung kayat kayo na lamang ang humusga kung paano ito mailalagay sa ice cream o waffle cone.


COLD SWEAT ICE CREAM


ree

Malamang ang pangalan ng ice cream na ito ay talagang kakaiba! Ang ganitong uri ng flavor ng ice cream ay inihahain sa ice cream shop na Sunni Sky's. Ang mga sangkap ng Cold Sweat ice cream ay ginawa gamit ang tatlong uri ng paminta at dalawang uri ng mainit na sarsa. Kakaibang kumbinasyon ng mga pampalasa Tiyak na sasabog ang lasa sa iyong bibig. Sinong mag-aakala na ang isang Ice cream ay maaaring magbigay sa iyo ng mainit na pakiramdam kaysa sa malamig.


PET BIRD ICE CREAM


ree

Larawan mula sa Chepsms


Hephep bago pa kayo mawindang! Ang pet bird ice cream ay hindi talaga isang ibon ngunit ang lasa lamang nito. Ang mga lasa kagaya ng Maya at Parakeet ay matatagpuan sa isang Tokyo ice cream parlor. Gayunpaman, walang mga balahibo sa mga scoop; sa halip, ang mga lasa ay binubuo ng mga pagkain na kinakain ng mga ibong ito, tulad ng prutas, mani, at buto.


HORSEFLESH ICE CREAM


ree

Larawan mula sa Travel & Leisure


Ang flavor ng ice cream na ito ay matatagpuan sa loob ng amusement park ng Toyo, sa Namja Town. Maraming atraksyon ang pwedeng maenjoy sa loob ng park, ngunit mas maiintriga ka sa ibat-iba at kakaibang flavor ng sorbetes na matatagpuan sa Ice Cream City. Sa loob nga Ice Cream City, makikita at matitikman ng sinomang gustong tumikim ang kakaibang flavor ng ice cream tulad ng Raw Horse Flesh ( Hilaw na karne ng Kabayo), Cow Tongue (Dila ng Baka), Salt (Asin), Yakisoba, Octopus, at Squid. IIlang lamang iyan sa mga flavor ng ice cream na tiyak na nakakawindang.


CROCODILE ICE CREAM


ree

Larawan mula sa FoodBeast


Saan ka makakakita ng kombinasyon ng panghimagas at buwaya? Kung kayat i-upgrade natin ang panlasa ng iyong ice cream sa Crocodile-flavored Ice cream na matatagpuan sa Davao City, Philippines. Bago ka matakot, ang itlog lamang ng crocodile o buwaya ang ginamit sa pagprocess ng ice cream, hindi ang karne ng buwaya. Mabibili sa dalawang flavor ang Crocodile-flavored ice cream: crocodile pandan and crocodile coffee.






Comments


unnamed.png

Hi, thanks for dropping by!

Anything under the sun is collaborative blog manage by 3 college students namely; Kryzel, Zairra, and Chrishia.

The site aims to bring readers plethora of superb content which will blow the readers away.

Basically, 'Anything Under the Sun' covers within, outside the sun, or even the solar systems' purview. This site solely started for the sake of passing TCM314 but writers eventually took a liking to content writing. 

bottom of page