MGA PAGKAING MAY KAKAIBANG HITSURA NGUNIT MASASARAP
- Zairra Obial
- Dec 20, 2021
- 4 min read
Updated: Dec 21, 2021
Ito ang mga pagkain na talagang masarap kumpara sa hitsura nito Karugtong ng buhay ang pagkain! Gayunpaman, depende ito sa lasa ng pagkain. Sinasabi nila na ang hitsura ng pagkain ay naglalarawan kung gaano ito kasarap kainin. Bukod dito, kapag ang hitsura ng pagkain ay bago o kakaiba, madali nating isipin na ito ay hindi masarap. Kung kayat, ang blog na ito ay inilaan para sa inyo upang baguhin ang iyong pananaw tungkol sa labas ng anyo ng pagkain kumpara kung ano ang lasa nito.
BIRD EMBRYO O BALUT
Balut ay isang Pinoy at Vietnamese street food (kung saan ito ay tinatawag na hot vit lon). Binubuo ito ng fertilized duck egg na na-incubate sa loob ng 18 araw, na nagreresulta sa pagbuo ng bahagyang nabuong embryo sa loob ng shell. Ang Balut ay may banayad na masarap na lasa. Ang katas ng Balut na walang halo ng suka at asin ay mas masarap kumpara kung ito ay pinasangkapan. Kapag kinain mo ang pula ng itlog, mayroon itong matibay, ngunit creamy at mahangin na texture, katulad ng bahagyang malansa na parang custard na puding.

Larawan mula sa Culture Trip
Mura na at masarap pa ! Ang pagkain na ito ay tiyak na nakakabusog. Bukod sa masarap na lasa, ang balut ay mayaman sa nutrients na mabuti para sa katawan. ADOBO FROG
Ang frog adobo ay isa sa mga kakaibang pagkain sa Pilipinas. Para sa ilan, ang palaka ay hindi dapat tinuturing na pagkain dahil ito raw ay kasuklam-suklam. Gayunpaman, may ilang uri ng palaka na nakakalason at hindi naman talag dapat kainin. Kung mayroong hindi nakakain, may palaka naming pwedeng kainin. Ang adobo ng palaka ay isang katutubong palaka, ang recipe ay pareho sa adobo ng baboy at manok. Ang karne ng palaka ay may parehong lasa sa karne ng manok, ngunit ito ay mas masarap kaysa sa manok. Maaari din itong lutuin sa anumang uri ng mga recipe tulad ng tinola, inihaw, at crispy fried Frog.

Larawan mula sa Blue Earth
Kung sa tingin mo ito ay kasuklam-suklam, Nagkakamali ka! Ang karne ng palaka ay masarap at nakakain. Malayo sa iniisip mo!
BASAHI RAW HORSE MEAT
Ang Japan ang isa sa mga bansa na may pinakamasasarap na lutuin sa mundo, ngunit hindi iyon nangangahulugan na hindi sila nag-aalok ng mga kakaibang pagkain. Isa sa kanilang mga sikat na kakaibang lutuin ay ang Basahi, ito ay isang Raw Horse meat na may kakaibang anyo. Ang Japanese basashi ay isang natatanging ulam na nagtatampok ng manipis na hiwa ng hilaw na karne ng kabayo.

Larawan mula sa travellocal
Ito ay itinuturing na kakaibang Japanese delicacy at kabilang sa sikat at magkakaibang grupo ng mga sashimi dish. Ang karne ng kabayo ay karaniwang mas payat kaysa sa iba, mas tradisyonal na mga anyo, may bahagyang matamis na lasa, at maaaring may kulay mula rosas hanggang madilim na pula depende sa maturity. KHASH
Isang nakakakilabot na maliit na ulam na binubuo ng nilagang paa at ulo ng baka. Ang Khash ay isang Armenian Soup dish. Ito ay dating itinuturing na isang winter comfort food, ngunit ito ngayon ay itinuturing na isang delicacy. Basta't hindi mo alintana ang ngiting bungo---na iyon na nakatitig sa iyo sa pamamagitan ng malamig nitong patay na mga mata--- tiyak at mapapangiti ka sa sarap . Gayunpaman, itinuturing ito ng mga taong sumubok ng pagkaing ito bilang isang napakasarap na ulam, hindi nga lang kaaya-aya ang hitsura.

Larawan mula sa Feast at fandom
Bilang karagdagan, ito ay isang pagkain upang mawala ang hang-over. Kung hindi mo pa nasusubukan ang Khash subukan ito ngayon para maidagdag ang karanasan sa iyong aklat ng buhay! PAA NG MANOK
Maaaring sa opinion ng ilang tao ang pagkaing ito ay hindi masarap; gayunpaman, ito ay mas masarap kaysa sa iba pang bahagi ng karne ng manok. Ang mga paa ng manok ay isang tanyag na ulam sa mga Bansang Asyano. Sa Pilipinas, ang mga pagkaing paa ng manok ay ibinebenta bilang pagkaing kalye na may abot-kayang presyo. Ang mga paa ng manok ay maaaring lutuin sa maraming paraan tulad ng barbecue, Adobo, maanghang na paa ng manok, at kahit pritong.

Larawan mula sa Cookedpad
Ito ay napakasarap na may parang tekstura ng gelatinat sulit itong subukan. Kung hindi mo pa nasusubukan ang paa ng manok na ito, subukan ito ngayon!
TUNA EYEBALLS
Ang Tuna Eyeballs ay talagang nakakain, Bagama't, ito ay hindi kaaya-aya na pakinggan sa ilang tao. Ang partikular na pagkain na ito ay karaniwang ibinebenta sa merkado ng Japan. Bilang pampagana o meryenda sa bar, inihahanda ng mga Japanese chef ang mataba, kasing laki ng bola ng tennis ang Tuna Eyeballs. Ang lens, iris, at gelatinous fluid ay pawang hawak ng sclera, isang matigas na panlabas ng mata. Ang sclera ay nagiging masyadong chewy upang kainin kapag niluto, ngunit ang panloob na nilalaman ng mata ay lumambot at maaaring sipsipin palabas tulad ng bone marrow.

Larawan mula sa Orangesmile
Ang mga chef ay madalas na iniluluto ang eyeballs sa toyo na may pinaghalong mirin o kayay iginisa ang mga ito sa sesame oil at luya. Inihahambing ng karamihang customer ang lasa ng Tuna Eyeball sa pusit, tahong, o nilagang itlog.
Ang mga kakaibang hitsura ng mga pagkain ay nagpapatunay na ang hitsura ay maaaring mapanlinlang. Umaasa kami na babaguhin ng blog na ito ang iyong pananaw mula sa mga kasuklam-suklam na anyo ng mga pagkain na bago sa iyong paningin.
Hanggang sa aming susunod na paghahanap ng pagkain, mga tao sa ilalim ng araw!









Comments